
Para sa unang linggo ng pagbablog ko ng mga tanim naming gulay. Ang una kong pinamuti o pinanguha ay ang upo. Sabado ito, gumising ako ng ala-singko ng maaga para sumama sa pamumuti ng upo. Ang tanim naming upo ay nakagapang sa lupa, meron kasing upo na pwedeng nakabitin o kung tawagin ay may balag. Sa pangunguha ng upo gumamit ako ng kutsilyo sapagkat medyo matigas at mahirap itong panguhanin gamit ang kamay lang sapagkat makapal ang tangkay nito. May tatlong klase ng ang bawat gulay ito ay tinatawa na good, semi at reject. Ang good ay yung magagandang gulay na walang sira o walang kain ng mga peste, matataba at yung sakto ang laki ang semi naman yung medyo maganda na pwede pa ring kainin at ibenta may kaunting deperansya lamang samantalang ang reject ay yon talagang hindi na pwedeng kainin maaring meron na itong uod sa loob o kaya namay ay magulang na. Pagkatapos naming mapanguha ang lahat ng upong dapat ng putihin bumalik na kami sa bahay at dito namin ito hinihirang kung saan malalaman kung ito ay good, semi o reject. Para sa paghihirang ng upo kailangan itong hugasan muna dahil sa ito’y may mga dumi o mga lupa dahil sa ito ay nakagapang sa lupa pagkatapos hugasan ay hihirangin na at pag nalaman na ang mga good at semi ipapake na ito, sa pagpapake naman ng upo sampo lamang ang laman bawat plastic siyam na nakatayo at isa sa taas. Ang reject na upo ay hindi na pinapake kadalasan ito ay pinamimigay o kaya naman ay pinapakain sa aming mga alagang hayop. Ang pamumute ng upo ay makalwahan at kung minsan na madami itong bunga pinamumute namin ito ng gabi at kinabukasan ulit. Ang pabebenta naman ng upo ay base sa kilo at para sa puteng ito 25.00 ang kilo ng upo. Para naman sa presyo nito ay depende sa panahon merong panahon na mahal ito ay kapag may mga kalamidad, merong mura kapag nakabawi na ang mga mamimili mula sa kalamidad at merong saktlo lang na kadalasan ay kapag madaming suply ng gulay na binebenta pero ang masisirguro ko ay hindi kayo malulugi. Sa unang beses kong pamumute natuwa ako sapagkat napakarami naming napute na masasabi kong sulit lahat ng pagod.