Mais

mais

Para sa araw na ito ikukwento ko naman ang journey ng tanim naming mais. Simulan natin kung paano nagsimula. Ang tanim naming mais ay mais na puti o yung mga ginagawang patukas sa manok. Nagsimula talaga yung pagtanim namin ng mais 2016 kasi may nagalok lang sa papa ko na maganda ang daw itanim ay mais dahil farmer naman talaga ang isa sa ikinabubuhay namin. Hindi naging maganda ang simula namin sa pagmamais kasi unang una wala pa talagang kaalam-alam tungkol sa pagtatanim nito talagang biglang tanim lang. Nung unang tanim namin sobrang laki ng lugi namin kasi yung lahat ng gastos wala pang kalahati yung bumalik samin kasi sala pala yung buto ng mais na itinanim meron ding maling fertilizers at pesticide o di kaya sobra o kulang yung lagay tsaka yung kulang na kulang talaga sa kagamitan. Tas nung medyo natuto na hindi pa din sya okay talaga kasi mga tao lang namin yung namumute ng mais tas dadalhin sa bahay namin na anmdami andami tas tulong tulong kami sa pagbabalat non tapos hihimayin namin pagkatapos ibibilad namin sa arawan tas every after 1hour kinakalaykay para mahalo,kapag gabi naman tinatakpan para hindi madala o mabuhaghag after 2days isasako na sya ulit at kaming pamilya ang nagsasako non tulong tulong kami sa pagiipon,pagwawalis tas pagsasako talagang inaabot kami ng gabi ganyan yung naging hirap namin sa mais at dumadating talaga ang mga delubyo na nung mga time na yon nakabilad pa yung mais tapos walang tao sa bahay tapos umulan kaya nadala talaga ng baha lahat ng mais na nakabilad kaya ayon wala kaming nagawa kundi panuodin nalang yung mga mais na inaanod ng baha at don talaga kami pinanghinain ng loob na parang pagkatapos ng lahat ng hirap mo walang nangyari. Pero dahil mga magsasaka kami hindi dapat ganon nagtanim ulit kami ang talagang may awa ng Diyos dahil pagkatapos non unti-unting gumanda ang takbo ng mais namin hanggang sa marunong na talaga kung paano ang takbo ng pagmamais kumpleto na sa kagamitan kagaya ng dryer, corn mill, corn grinder na nagpadali ng mga trabaho at sa ngayon meron kaming dalawang taniman ng mais meron sa Rosario, Batangas at sa brgy namin Concepcion 1. napakalaki ng naging tulong ng mais na tanim namin sa pamilya namin, kahit na mahirap talaga palagi naman itong may kasamang ginhawa.

Talong

Bt-talong-Photo-courtesy-of-SEARCA

Masasabi kong ang talong ang isa sa pinakamagandang gulay na itanim. Mahaba ang life span ng talong at isa ito sa gulay na madalas ay mataas ang presyo at isa ito sa pinakamabentang gulay.Taon taon palagi kaming may tanim na talong. Para sa pamumute ng talong medyo nahirapana ako kasi first time ko itong manguha dahil noon ako ay sa tagapake o tagabundle ng talong. Medyo mahirap kasi makati talaga ang dahon nito idagdag pa na medyo mahirap itong alisin sa puno at ang palagi ka talagang nakayuko sapagkat mababa lang ang puno ng talong. Ng matapos kami ay don sa kubo namin ito hinirang at ibinundle para mas mabilis at para hindi mahirapan dahil medyo malayo ang taniman namin ng talong sa aming bahay. Sa paghihirang ay may good semi at reject din. Hinuhugasan ang talong para malinis at para malaman kung ito ay may butas o wala kapag may butas ay sa reject na pati ang sobrang matataba at kapag naman medyo gasgas lang ang balat ay sa semi pati ang mga medyo maliit na matataba at mga payat at sa good naman ang maganda, medyo mahaba pero hidni ganon kataba at walang kahit anong butas. Marunong din akong magpake nito sa pagpapake nito kapag good ay pavertical na patong patong yung sakto lang sa plastic na hindi maiipit ang iba at kapag semi ay pahorizontal. Ang isang bundle ng good ay 10kl at ang semi ay kahit ilan basta kasya sa plastic na hindi maiipit ang iba. Kadalasan kapag madami ang bunga ng talong namin at kapag maagang natapos binebyahe ito sa Tanauan sa bagsakan mismo ng gulay kasi mas mahal ang kuha nila don. Ang pinaka naging malaking bilang ng talong namin ay 400kl o 40 bundle ang good palang na may presyong 45 isipin  niyo kung gaano kalaki ang pwedeng kitain sa paggugulay pa lamang. Para sa akin sa paghahalaman hindi pwedeng ang iisipin mo agad ay yung hirap mo, pagod, gastos at yung kikitain mo na ang iniisip mo agad di naman palaging malaki ang kita dyan. Oo hindi talaga palaging malaki ang kita sa pagugulay pero meron itong napakaraming benipesyo nariyan ang bawat makalawa may kinikita ka , pwede mo itong pantawid sa pangaraw-araw na pagkain at mabait talaga Diyos dahil dumadating talaga ang mga panahong madami kang pute at mahal ito kapag nakita mo lahat ng gulay mo kung gaano ito karami masasabing mong worth it lahat ng pagod, hirap at gastos.talloQJBSWLD

Sitaw

pole-sitaw-488x434

Medyo paubos na din talaga ang sitaw namin dahil ito ay pa tatlong buwan na kaya sobra pa sa sapat ang nakuha naming bunga galing dito. Para sa akin ito pinakamadaling panguhanin dahil ito ay hindi makati madahon o mabunga ito ay malambot ang tangkay kaya kamay lang talaga ang gamit sa pangunguha ito ay magaan kaya kahit punong puno na ang braso hindi gaano kabigat at sa tingin pa lang malalaman mo na kung puputehin mo ba ito o hindi pa. Malapit lang sa bahay namin ang taniman nito kaya madali lang talaga ito. Tuwing madaling ito pinapanguha at sinusubukan mahirang at mapake bago mag alas-nuebe ng umaga. Sa pagbebenta kasi ng gulay mahalaga din kung ikaw ay maaga Kasi ang mga mamimili ay hindi naghihintay kung alin, sino ang nandyan yon ang binibili dahil sa dami ng mamimili nangangamba silang baka maubusan sila kaya kapag tinanghali ka ng byahe may posibilidad na matagal o mura mo ito maibenta.kasi may mga o karamihan sa mamimili ay bumibili ng gulay at saka nila ito muling ibebenta sa ibang lugar katulad ng tanauan kung saan ibebenta nila ito ng mas mataas sa preyo ng bili nila sa iyo. Para sa paghihirang ng sisitaw ito ay kaagay din ng sa upo na may good semi at reject. Madali lang din itong hirangin. Good kapag sakto lang ang laki at taba, walang butas. Semi naman kapag medyo maliitat payat at reject naman kapag sobrang taba o payat at kapag may butas. Sa pagbabubundle naman nito 10kl sa isang plastic pa vertical ang pwesto ng sitaw. Kapag semi namna ay pahorizontal at kahit ilang kilo ito. Ang reject ay pinamimigay o pinkakain sa kalabaw at baboy. Kaya naman talagang napakakapaki-pakinabang nito. Ang sitaw nung puteng ito ay may presyong 25.00  mahal pa ito kung tutuuisin kasi paubos naman na ang bunga ng sitaw kaya kahit sa mga huling pute ay may kita pa rin. Pinakamalaking bilang ng sitaw na napanguha namin ay 200kls.

 

Okra

okra

Para sa ikalawang linggo meron ako ditong okra. Para sa akin ang okra ay medyo mahirap panghunanin sapagkat makati ito, meron kasing gulay na dahon ang makati ngunit sa okra ay mismong okra ang makati kaya naman kapag namumuti ako nito ay naka gloves ako. Mainam itong panghunan gamit ang gunting dahil maliit lamang ang tangkay nito pero pwede din naman ang kutsilyo pero para sa akin ay hindi ito kayang panguhanin ng kamay lamang ang gamit. Namute ako ng okra ng byernes ng hapon para kinabukasan ay hihirangin na lamang ito. Masasabi kong kaya ko na talaga ang pamumute ng okra sapagkat nung medyo mas bata pa ako ay nangunguha na talaga ako nito dati ay tumira ako sa bahay ng lola ko na kung saan ay may tanim siyang okra na minsan ay hindi niya na talaga kayang panguhain kaya ako nalang magisa at dahil dito ay nasanay na ako sapagkat mahahaba ang buhay ng gulay maari kang makapamute ng gulay sa loob ng 3bwan ng makalawahan. Pagkapute namin ng gabi ay kinabukasan ay hinirang na. Para naman sa okra may dalawang klase lang ito ang mura at magulang. ito ay mura kapag sinubukan mo itong baliin ay nababali ito pero syempre hindi mo naman babaliin na tuluyan papakiramdaman mo lang kung madali itong mabali kapag naman magulang ay hindi agad mabili na parang makunat ito. At ang magulang ay hindi na ibenebenta kagaya ng ibang hindi na mabebentang gulay ito ay pinamimigay na lamang para hindi sayang pero hindi naman ibig sabihin na hindi na ito mabebenta ay hindi na ito pwedeng kainin kaya lang hindi na binebenta ang mga ito ay para hindi ka masira sa mga suki bilang isa kang tindera at madalas kang magbenta mahalagang meron kang suki lalong lalo na sa pagbebenta ng gulay kaya dapat sisiguraduhin mong ang mga gulay na binebenta mo ay sulit din ang bayad nila. Para sa presyo ng okra ang pute na ito ay 15.00 hindi kataasan pero hindi rin kababaan. Siguro ang pinakamurang benta namin ng okra ay 6.00 per kilo din ito. Sa mga panahon naman na ganito ito kamura hindi ka pa din lugi dahil ito yung mga panahong nauubos na ang bunga ng gulay, yung mga pahuling pute na.

okra2

Upo

upo

Para sa unang linggo ng pagbablog ko ng mga tanim naming gulay. Ang una kong pinamuti o pinanguha ay ang upo. Sabado ito, gumising ako ng ala-singko ng maaga para sumama sa pamumuti ng upo. Ang tanim naming upo ay nakagapang sa lupa, meron kasing upo na pwedeng nakabitin o kung tawagin ay may balag. Sa pangunguha ng upo gumamit ako ng kutsilyo sapagkat medyo matigas at mahirap itong panguhanin gamit ang kamay lang sapagkat makapal ang tangkay nito. May tatlong klase ng ang bawat gulay ito ay tinatawa na good, semi at reject. Ang good ay yung magagandang gulay na walang sira o walang kain ng mga peste, matataba at yung sakto ang laki ang semi naman yung medyo maganda na pwede pa ring kainin at ibenta may kaunting deperansya lamang samantalang ang reject ay yon talagang hindi na pwedeng kainin maaring meron na itong uod sa loob o kaya namay ay magulang na. Pagkatapos naming mapanguha ang lahat ng upong dapat ng putihin bumalik na kami sa bahay at dito namin ito hinihirang kung saan malalaman kung ito ay good, semi o reject. Para sa paghihirang ng upo kailangan itong hugasan muna dahil sa ito’y may mga dumi o mga lupa dahil sa ito ay nakagapang sa lupa pagkatapos hugasan ay hihirangin na at pag nalaman na ang mga good at semi ipapake na ito, sa pagpapake naman ng upo sampo lamang ang laman bawat plastic siyam na nakatayo at isa sa taas. Ang reject na upo ay hindi na pinapake kadalasan ito ay pinamimigay o kaya naman ay pinapakain sa aming mga alagang hayop. Ang pamumute ng upo ay makalwahan at kung minsan na madami itong bunga pinamumute namin ito ng gabi at kinabukasan ulit. Ang pabebenta naman ng upo ay base sa kilo at para sa puteng ito 25.00 ang kilo ng upo. Para naman sa presyo nito ay depende sa panahon merong panahon na mahal ito ay kapag may mga kalamidad, merong mura kapag nakabawi na ang mga mamimili mula sa kalamidad at merong saktlo lang na kadalasan ay kapag madaming suply ng gulay na binebenta pero ang masisirguro ko ay hindi kayo malulugi. Sa unang beses kong pamumute natuwa ako sapagkat napakarami naming napute na masasabi kong sulit lahat ng pagod.upo2